Pages

Friday, June 3, 2011

[REVIEW] Coffee House Korean Drama







Cast:

Kang Ji-Hwan as Lee Jin Soo

Ham Eun-Jeong as Kang Seung-Yeon

Park Si Yeon - Seo Eun-Yeong



Natapos ko na itong Coffee House. Maganda siya, nakakatuwa siya sa umpisa palang. Nagtataka nga ako kasi, sa umpisa may conflict na, close na kaagad si Seung Yeon at Jin Soo. Ayon magiging teacher niya. . . . .

Sa totoo lang, hindi ko nagustuhan ang ending kasi, ang naimagine ko na e ang magkakatuluyan e si Seung Yeon (Baek Hee of Dream High) at si Jin Soo (Na In-Jae of Fireworks) . Kaso si Jin Soo at Eun Young (Anika of My Girl) ang nagkatuluyan. Okay naman sila, kaso nabuo na lang talaga sa isipan ko na ang gusto ko e Seung Yeon. Pwes ngayon mali ang prediction ko. HAHA.

Pero madami talagang nakakatuwa na scenes dito. Tulad na lang nung paghuli ni SY ng "WILD CAT", na ang ginawa nya nung una e nanghuli ng ligaw na pusa, tapos tinaggalan ng balahibo at iniba ang style at magmukang wild cat, syempre matalino si JS kaya nalaman niya na galang pusa lang iyon. Ayon nagpunta tuloy si SY sa bundok at naghuli ng wild cat. Nung pagbalik niya na may mga kalmot pa siya sa leeg at mukha, ang sabi ni JS e hindi daw iyon wild cat. . Kaya hindi nagpatalo si SY, sabi niya wild cat iyon at magsasayaw pa daw siya sa harap ni JS na nakahubad pag hindi iyon wild cat. Tapos nagpunta sila sa isang vet na kaibigan ni JS, sa tingin ko kinunchaba ni JS yung vet na sabihing hindi wild cat. Kaso ang nasabi pa lang ng vet e hindi iyon wild cat, umalis na kagad si SY. Sabi nung vet kay JS, isa daw BOB CAT ang nahuli ni SY at endagered specie pa daw iyon. . (BRAVOOO. Seung Yeon ang galing mo.) Kaso afgter nun sumayaw pa rin siya sa harap ni JS at nung maghuhubad na siya syempre pinatigil siya. :D

Ano pa nga ba? Yung hindi makatulog si Jin Soo dahil sa mga ingay sa palagid. Syempre sa sobrang vain niya, lahat napapansin na ata niya.:| So ang task ni Seung-Yeon ay hanapin ang mga sumusunod at patahimikin: . . .

#1. Naggigitara

#2. Nagjujumping rope

#3. Nanunuod ng porn

. . . syempre nahanap niya lahat iyan, tas nung pagbalik niya sa workshop ni JS tulog na ito. Ngunit nung papauwi na siya at pababa sa hagdan nahulog siya at duguan ang ilong, may nakakita. Ginisng nung keeper si JS tas iyon umalis si JS at pumunta sa Public Telephone at tinawagan ang pwedeng puntahan na ospital si SY. Sa tingin ko mga 3 ata siya nagising tas mga 5 tumatawag parin siya, Ayon okay naman si SY, hindi naman siya nagpunta sa ospital, nilagyan lang ng bandage yung ilong niya. Tas after nung nagkita sila, pagkauwi niya, naisip niyang gamitan ng microscope ang pagtingin sa lapis ni JS, para malaman niya kung paano ba ang ginagawa nito sa pagtatasa. At yun nagawa niya ng tama.



.. Madami pa akong paboritong scene kaso masyadong mapupuno na ang page ko. HAHA.



Panuorin nyo ito, nakakaengganyo na matuto magtimpla nang kape at maging isang writer din.



COFFEE HOUSE..